Nagbahagi ng pagkasabik ang aktres na si KC Concepcion sa kaniyang Instagram account nitong Miyerkules, Oktubre 25, para sa nalalapit na pagsasama ng mga magulang niya.

Magsasama sa reunion concert ang mga magulang ni KC na sina Megastar Sharon Cuneta at aktor na si Gabby Concepcion, na pinamagatang “Dear Heart” na mapapanood sa SM Mall Of Asia Arena sa darating na Oktubre 27.

MAKI-BALITA: Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ‘magkakabalikan’

“Sometimes talaga a fairytale will remain as a fairytale na lamang… Pero that’s okay! 🫶🏼 Thankful ako sa mga ‘silver lining’ natin in life ✨” pahayag ni KC sa caption ng kaniyang post.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Dagdag pa niya: “Imagine, 3 days nalang at magsasama na sila Mama and Papa in a musical celebration after so many years… May ganito pa palang pwedeng mangyari!!! ♥️🧚‍♀️” 

Nagbigay naman ng kaniya-kaniyang reaksiyon ang mga netizen sa nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Soooo touching 😍🥺”

“😢😢😢 Malay natin, sila pa din pala sa huli!😍😍😍”

“Super excited for you ♥️”

“I'm crying while reading your letter🥺❤️”

“Naiyak ako dito 😢 you’re so loved by many ms. @kristinaconcepcion ❤️”

Ang tanong, may special apprearance kaya si KC sa nabanggit na concert?