Kinumpirma na ng award-winning actor na si John Lloyd Cruz ang kaniyang relasyon sa artist na si Isabel Santos nang sumalang siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Oktubre 24.

Matatandaang unang flinex ni Isabel si John Lloyd noong Abril sa kaniyang Instagram post. Dahil sa nasabing post, tila lalo tuloy tumibay ang katotohanan sa likod ng naunang tsika ni showbiz columnist Cristy Fermin na mag-jowa umano ang dalawa.

MAKI-BALITA: Rumored jowa ni Loydie, iflinex ang aktor sa kanyang Instagram post

MAKI-BALITA: Cristy, kinumpirmang may bagong jowa si John Lloyd Cruz

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Pero si Tito Boy lang ang nakapagpaamin kay John Lloyd nang tanungin niya ang aktor sa kaniyang programa.

“Sino si Isabel sa buhay mo?” usisa niya.

“Si Isabel ay girlfriend ko or boyfriend niya ako,” tugon ni John Lloyd.

Sinubukan pang magtanong ni Tito Boy ng iba pang impormasyon tungkol sa relasyon ng dalawa pero tila nag-aalinlangan siyang magkuwento.

“We’re boring people,” sabi ni John Lloyd, “wala kaming maikukwento.”

Pero ayon sa aktor, matagal na umano silang magkakilala ni Isabel at ang gallery umano nina Isabel ang unang pinasok niya noong umalis siya sa ABS-CBN. 

Si Isabel ay anak ng mag-asawang Soler Santos at Mona Santos na kilalang mga artista sa bansa.