Inamin ni Kapuso actress-beauty queen Herlene Budol na wala umano siyang syota nang kapanayamin siya ni Kapuso broadcast-journalist ">Jessica Soho noong Lunes, Oktubre 23.

“Parang siguro hindi lang kayang pagsabayin. Siyempre, naka-focus ka na doon sa paano ka kumita nang magandang-maganda para sa pamilya; para sa future. Napag-usapan naman ho namin. Shout out nga pala sa ‘yo, Tutoy,” paliwanag ni Herlene.

“Tutoy ang pangalan?” tanong uli ni Jessica.

“Troy po,” tugon ni Herlene.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa dating app na Tinder daw niya nakilala ang kaniyang first boyfriend na si Troy. Nang tanungin siya ni Jessica kung taga-Angono rin ba ang lalaki, hindi raw. Taga-Maynila.

Tumagal lang umano nang limang taon ang kanilang relasyon dahil gusto nilang ayusin muna ang kanilang mga personal na buhay.

Pero kahit may kaniya-kaniya nang pinagkakaabalahan ang bawat isa, lagi pa rin umano silang nagsusuportahan.