COTABATO CITY – Patay ang isang kumakandidato sa pagka-barangay chairman matapos pagbabarilin sa Kapatagan, Lanao del Sur nitong Miyerkules ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Kamar Bilao Bansil, 50, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Isinugod naman sa ospital ang asawa at anak na lalaking menor de edad dahil sa mga tama ng bala, ayon kay Lanao del Sur provincial police director, Col. Robert Daculan.

Sa police report, pinagbabaril ng mga suspek ang sasakyan ni Bansil na mag-iigib sana sa isang bukal sa Brgy. Sigayan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kabilang sa suspek si Pabril Pagrangan, asawa ng kasalukuyang kapitan sa Brgy. Sigayan kung saan kumakandidato si Bansil.

"Manhunt against the group of Pagrangan is ongoing,” ani Daculan sa panayam sa radyo.

Umabot sa 30 basyo ng bala ng M16 Armalite rifles ang narekober ng pulisya sa crime scene.

PNA