Nagbahagi ang TV host-actress na si Anne Curtis ng compilation ng mga video clip ng “It’s Showtime” family sa kaniyang Instagram account nitong Martes, Oktubre 24, para sa kanilang 14th anniversary.

“14 years with so many mems. There’s a part na nakakaiyak but don’t worry made it bawi right awayto make you guys laugh again with some pretty solid moments. Grabe Hirap to compile all of my faves but this is what I could find on TikTok but I’m sure there’s so much more,” pahayag ni Anne sa caption ng kaniyang post.

Dagdag pa niya: “Sad we aren’t celebrating with you on air today but hey, just a few more sleeps! Showtime will be right back! Happy anniversary Madlang People and Showtime fam! We love you guys!”

Nakatakdang bumalik sa telebisyon ang “It’s Showtime” sa Oktubre 27, Biyernes.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Matatandaang pansamantalang nagpaalam ang mga host ng nasabing noontime show sa kanilang mga tagasubaybay matapos silang patawan ng 12-airing day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ pansamantalang nagpaalam sa madlang people

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB