Pinalagan ng mga netizen ang naging hirit na biro ng komedyanteng si "Petite" sa kaniyang vlog kung saan tampok ang kaniyang "It's Your Lucky Day" co-hosts.

Ibinida ni Petite sa kaniyang ">vlog ang mga eksena sa likod ng camera sa kanilang paghahanda para sa noontime show na rumelyebo sa suspendidong "It's Showtime."

Naireport ng isang pahayagan ang tungkol sa banat na joke ni Petite habang kausap ang co-hosts na sina Francine Diaz at Seth Fedelin o FranSeth.

"Ito anak ko 'to (tumutukoy kay Francine) sa foreigner nung kadalagahan ko. German ang tatay niya. Ito naman (Seth) Norwegian."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Si Negi kasi katutubo tatay niyan," mababasa sa art card.

Sa comment section ng ulat ay umalma ang mga netizen dahil sa paggamit ng salitang "katutubo" bilang katatawanan.

May ilang nag-tag pa sa National Commission on Indigenous Peoples na komisyong namamahala sa kapakanan ng indigenous people.

Narito naman ang mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Waiting, yari 'to..."

"Minaliit mo naman ang kapwa natin katutubo..."

"May problema ka ba sa katutubo Petite?"

"Happy Indigenous Peoples Month Pilipinas. Salamat sa pagtawa at pangmamaliit sa amin mga katutubo."

'Being part of the indigenous people is no laughing matter."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang National Commission on Indigenous Peoples o si Petite tungkol sa isyu. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.