Kinumbinse ni showbiz columnist ang “Linlang” star na si JM De Guzman na pagandahin pa umano niya ang katawan nito sa “">Showbiz Updates” noong Lunes, Oktubre 23.

Matatandaan kasing pinutakti si JM ng mga “body shamer” kamakailan matapos mapansin ang biglang paglobo ng kaniyang katawan. Hindi tuloy niya naiwasang maglabas ng saloobin sa kaniyang Instagram account hinggil sa mga komento ng mga netizen.

MAKI-BALITA: JM De Guzman sinabihang tumaba: ‘Masakit kayong magsalita!’

Pero kahit ganoon, ipinagtanggol naman siya ng kaniyang mga kapuwa celebrities gaya nina John Arcilla, Arci Muñoz, Darla Sauler, at Tim Yap.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sey naman ni Ogie: “Dapat maging inspirasyon, maging motivation kay JM ‘yan para lalo pa niyang pagandahin ang kaniyang katawan. Kasi ‘yung mukha wala naman problema, e. Gwapo naman siya, e. At mahusay siyang umarte.”

Dagdag pa ni Ogie, huwag naman daw sanang masiraan ng loob si JM. Hindi naman daw kasi nito mape-please ang lahat ng tao. 

“Kahit nga sa amin, akala n’yo kahit nagtatawanan kami dito ang daming nanlalait din sa amin, ‘no. Hindi ko lang sila binabasa,” saad pa ni Ogie.