Ibinahagi ng “Linlang” star na si Kim Chiu ang screenshot ng usapan nila ni Kapamilya singer-performer Darren Espanto sa kaniyang X account noong Lunes, Oktubre 23.

Mababasa sa palitan nila ng mensahe na ilang beses umanong namura ni Darren si Kim sa TV series niyang “Linlang”.

“Bwahahahhaha I love it bestie!!!!” tugon ni Kim.

“No…wag mo akong ma-I love it I love it diyan. Gigil ako sa ‘yo,” sabi pa ni Darren.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

https://twitter.com/prinsesachinita/status/1716301217863959006

Tila sang-ayon din naman ang mga netizen sa sentimyento ni Darren sa karakter na ginagampanan ni Kim sa nasabing serye. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Gurl minsan gusto ko na gupitin yung litid mo pag nagsisinungaling ka ke Victor! Kakaibang nilalang ka d2 unexpected ah.. clap clap clap! Kada sampal ni Inay Maria napapamura ako at sinasabing sige paaaaaa ngudngod mooo 🤣🤣🤣”

“Super true ako ilang beses na kita sinabunutan sa isip ko hahahahahaa. Galing naman kc umakting dalang dala ko”

“Ako din @prinsesachinita galit na galit ako sayo!!!! Hahaha 😂 sobrang mahal na mahal kita sa iba mong roles pero ibang level inis ko sayo dito sa #Linlang #LinlangOnPrime”

“Kahit sa inuman naming magpipinsan topic nila yang Linlang, at kung ga'no sila ka-bwisit sayo Ms. @prinsesachinita HAHAHAHAHAHA”

“dami na talagang galit sayo mii😂 pati mga kaibigan mo😂”

“The best actress ka talaga, kimmy! Masyado mong ginalingan! Awang awa ako kay Victor! Nung sinampal ka ni Ms. Maricel feeling ko ako ang sumampal sa u, hehehe....Congrats, one of a kind kayong lahat!”

Matatandaang kamakailan ay ikinuwento ni Kim ang karanasan niya nang masampal siya ni Diamond Star Maricel Soriano sa nasabing serye.

MAKI-BALITA: Kim nayanig sa sampal ni Maricel: ‘Tinuhog mo dalawang anak ko!’