Kinumusta ni Diamond Star Maricel Soriano ang relasyon ni singer-songwriter Ice Seguerra kina “E.A.T.” hosts Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon o mas kilala bilang TVJ nang kapanayamin niya ang huli noong Sabado, Oktubre 21 sa kaniyang ">vlog.

Ayon kay Ice, nakakatrabaho pa rin umano niya ang TVJ. Sa katunayan, noong magkaroon ng problema ang noontime show na “Eat Bulaga”, nagpadala umano siya ng mensahe na kung kailanganin man siya ng mga ito, asahang sisipot siya.

Matatandaang naging mainit na isyu kamakailan ang usapin ng copyright ng “Eat Bulaga” sa pagitan ng TAPE Inc. at nina Joey na siyang nakaisip umano ng pangalan ng nasabing noontime show matapos ang panukalang “rebonding” ng nasabing production company.

MAKI-BALITA: Eat Bulaga, pagmamay-ari ng TVJ, sey ni Tito Sen: ‘That is uncontestable’

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

MAKI-BALITA: ‘Kami ang Eat Bulaga’: Tito Sotto, pinersonal, nasasaktan sa tanong kung mananatili ba ang TVJ sa EB

MAKI-BALITA: Problema sa pera ng TAPE, isiniwalat ni Tito Sen; utang daw kay Vic, Joey higit-kumulang tig-P30M na

“And for at least a month and a half I was there parang kind of semi-regular sa E.A.T. noon. So happy ako,” sabi ni Ice.

Dagdag pa niya: “Siguro ‘yung relationship ko with TVJ–especially Tito Vic–even though hindi ko siya palaging nakikita, ito ‘yung relationship na parang ikaw. ‘Yung parang walang nagbago.”

“Oo,” singit naman ni Maricel, “‘yung parang kahapon lang kayo nag-usap. Parang continuation lang.”