Usap-usapan ng mga netizen ang kumakalat na campaign poster ni Abegail Rait, ang lumantad na ex-lover umano ng namayapang si "King of Rap" Francis Magalona o Francis M, na kaniyang pagkandidato umano bilang barangay kagawad sa darating na halalan.

Ayon sa isang netizen na nagngangalang "Joey De Leon Astillero," tatakbo para kagawad si "Abby" sa kanilang barangay sa Imus, Cavite.

"Iboto Abegail 'Abby' Rait para Kagawad sa Toclong 2-B, Imus City," mababasa sa kaniyang caption.

Samantala, sa isang Facebook page naman na nakapangalan kay Abegail, ginawang profile photo ang nabanggit na campaign poster.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Dahil dito, naiugnay ng mga netizen ang kaniyang pagtakbo sa naging paglantad nila na talaga namang pinag-usapan.

Maging ang kanilang anak umano ni Francis M na si Francesca Rait ay papasukin na rin ng showbiz.

Akusa tuloy ng mga netizen, tila timing na timing naman daw ang lahat para mag-ingay ang kanilang pangalan. May ilan din namang nagtanggol sa kaniya.

"Kung hindi sana tinayming sa Election, hindi siya pag-iisipan na clout chaser."

"Anong masama kung tatakbo siyang kagawad haha nanghingi ba sa inyo ng tulong hahaha."

"Papansin! Gustong pumasok sa pulitika at showbiz nanggamit pa ng pangalan ng patay. Pati first family na tahimik nadamay."

"Kaya pala nag-iingay ang mag-inang ito eh may agenda naman pala sa showbiz at politics."

"Instant famous... libre pa pagkampanya."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, pahayag o kumpirmasyon mula kay Abby kung totoo nga bang tumatakbo siya sa pagka-kagawad sa kanilang barangay.

MAKI-BALITA: Anak ni Francis M sa ex-lover, papasukin na ang showbiz?

MAKI-BALITA: Francesca Rait matagal nang bet lumantad sa publiko