Hinikayat ang publiko, partikular na ang mga Manilenyo, na samantalahin ang long weekend upang bisitahin ang puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery.

Ito'y upang maiwasan ang pagdagsa sa mga naturang sementeryo sa Nobyembre 1, na mismong araw ng Undas.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

“Bago pa mag-November 1 at November 2, dalawin nyo na ang inyong mga kaanak nang sa gayon ay di kayo sumasabay sa bulto,” ayon pa kay Mayor Honey Lacuna.

Nnawagan din ang alkalde na agahan ang paglilinis sa puntod ng kanilang mahal sa buhay, bago ang deadline na itinakda sa Oktubre 25.