Matapos mahagip ng usapan ang tungkol sa nagpakilalang ex-lover ni Francis M. na si Abegail Rait, naalala naman bigla ni showbiz columnist Ogie Diaz ang “illegitimate child” ni dating Senador Manny Pacquaio kay Joanna Bacosa na si Emmanuel Joseph Bacosa Pacquiao sa “">Showbiz Updates” nitong Sabado, Oktubre 21.

Nauna nang lumantad si Joanna noong 2006 at sinabi ngang nakarelasyon niya si Manny at nagkaroon pa ng anak.

Sa kasalukuyan, tila ineensayo ni Manny si Eman para maging isang mahusay na boksingero.

Naitanong naman bigla ng co-host ni Ogie na si Ate Mrena kung okay lang ba sa totoong asawa ni Manny na si Jinkee Pacquaio ang tungkol sa bagay na ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sagot ni Ogie: “I think so. Kasi may picture si Eman saka si Manny Pacquiao, kasama. Kasi kung itinatago naman ni Manny ‘yun, hindi siya magpapa-picture. At hindi siya makikipagkita siguro. At hindi niya dadalawin ‘yung anak niya na nag-eensayo ng boksing, di ba?”

Dagdag pa niya, nakakatuwa umano si Jinkee dahil ayon sa common friend nila ng huli, suportado umano nito ang pagsuporta ni Manny kay Eman.