Ibinahagi ni Wendell Alvarez ang mga katangiang mayroon si Kapamilya star Daniel Padilla sa latest episode ng “">Showbiz Now Na” nitong Sabado, Oktubre 21.

Tinanong kasi si Wendell ng kaniyang co-host na si Cristy Fermin kung ano raw ang pagkakakilala niya kay Daniel dahil dati raw siyang close dito.

“Si Daniel kasi noong una makikita mo talaga… seloso siya talaga. Kahit anong gagawin ni Kathryn talaga nagseselos siya. Noong una nga ayaw niya pang malapitan ng iba [si Kathryn] kahit ‘yung mga fans lang–”

“Saka konserbatibo talaga,” singit ni Cristy sa nagsasalitang si Wendell.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Tanong pa niya kay Wendell: “Palagay mo ba kaya niya pinaghihigpitan si Kathryn nang ganoon si Daniel ang gumagawa?

Sagot naman ni Wendell: “Hindi, siguro gawa lang ‘yun ng ano, ng parang ano nila, ‘yung adolescence stage nila.”

Anyway, may katotohanan man o wala ang pagiging seloso ni Daniel kay Kathryn, hindi maitatanggi na going stronger pa rin ang relasyon ng dalawa sa kabila rin ng mga hindi mamatay-matay na balitang hiwalay na umano sila.