Kumasa si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa hamon ni Vice President Sara Duterte na akyatin ang Mt. Apo at maglinis ng mga trail doon.
Sa isang Facebook post, shinare ni Dela Rosa ang post ni Duterte kamakailan tungkol sa “Love Mt. Apo Challenge.”
“Hinahamon ko si Sen. Bato na sumali sa ‘Love Mt. Apo’ hike at mag-ambag din sa paglinis ng mga trails. Excited kami sa iyong Mt. Apo vlog, Sen. Bato! 😉,” ani Duterte sa kaniyang post.
“Yes, Ma'am VP Inday Sara, I am honored to accept your challenge,” sagot naman ni Dela Rosa sa bise presidente.
“In fact, Ma'am, it’s good that our planned Mt Apo expedition this month was nixed due to conflict of schedule but actually it was just timely since I injured my left calf (partial tear) in my preparation.”
“I did treadmill everyday despite my being overweight that resulted to the injury. Hulat lang ka maayo ni maam kay katkaton nato na,” dagdag pa niya.
Matatandaang ibinahagi rin kamakailan ni Duterte na napag-usapan daw nila ni Dela Rosa na akyatin ang Mt. Apo sa darating na holiday sa Undas, ngunit hindi raw ito matutuloy dahil nagbago ang kaniyang schedule.