Nakauwi na sa Pilipinas ang ikatlong grupo ng overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Israel nitong Lunes ng hapon.

Ang nasabing grupo na binubuo ng 17 caregivers at walong hotel employees ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3.

Kaagad silang sinalubong ng mga tauhan ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Foreign Affairs (DFA).

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Bukod sa repatriation assistance package na ₱50,000 bawat isa, makatatanggap din ang mga ito ng tig-₱50,000 mula sa OWWA.

Sinabi ng DMW, umabot na sa 34 Pinoy workers ang dumating sa bansa mula sa Israel.

Ang unang grupo na binubuo ng 16 ay dumating sa bansa nitong Oktubre 18 habang ang ikalawang batch ay binubuo ng 18 manggagawa na nakauwi sa Pilipinas nitong Oktubre 20.