Tila isang blessing na naman ang dumating sa buhay ni “Pop Rock Royalty” Yeng Constantino!

Makikita kasi sa kaniyang Instagram account nitong Linggo, Oktubre 22, ang dalawang larawan kasama ang bagong biling sasakyan.

“After many years ng ‘wag muna’, finally eto na sya. My dream car! Say hello to Bunso. ♥️” pahayag ni Yeng sa caption ng kaniyang post.

Binati naman si Yeng ng kaniyang mga kapuwa celebrities na masaya sa kaniyang bagong achievement. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Melai Cantiveros-Francisco: “Congrats yeng”

Gary Valenciano: “YEHEY!!!!!! Sobrang bagay sa yo Yeng!!!!!!!!! 👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏”

Rayver Cruz: “Solid! 🔥”

Zephanie: “WAAHH CONGRATS ATE!!”

Jay-R: “Wow ang Ganda. Congrats.”

Kris Lawrence: “Astiiiiiig! Congrats Yeng 😊”

Ogie Alcasid: “Nice”

Tila deserve talaga ni Yeng ang ganitong achievement para sa kaniyang sarili. Matatandaang nabanggit niya sa isang panayam na maaga siyang nagtrabaho para matulungan ang pamilya niya.

MAKI-BALITA: Yeng Constantino, hindi bet ng nanay na maging rakista