Hinikayat ng Department of Agriculture (DA) ang mga local government unit (LGU) na apektado ng African swine fever (ASF) na isailalim na sa state of calamity ang kanilang lugar.

Paliwanag ni DA Undersecretary Deogracias Victor Savellano, kailangang gawin ito ng mga LGU upang makapagpalabas ng pondong gagamitin sa pagkontrol ng sakit.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

"There is an urgent need to conduct fogging operations, laying out foot baths, and other sterilization activities to prevent the disease from jumping from one piggery to another. These are costly activities because they have to be implemented province-wide, otherwise, we cannot contain the spread (of ASF),” anang opisyal.

Inihalimbawa ni Savellano ang Nueva Vizcaya na tinamaan ng ASF ang 133 babuyan sa siyam na bayan.

Kaagad aniyang isinailalim sa state of calamity ang lalawigan dahil sa sakit matapos kumpirmahin ng provincial veterinarian na halos 1,300 na baboy ang nangamatay sa sakit.

Nasa ₱20 milyon na ang nalulugi sa industtriya ng pagbababoy sa lalawigan batay, ayon sa Nueva Vizcaya Provincial Veterinary Office.

PNA