Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Linggo ng hapon, Oktubre 22, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:57 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 326 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 25 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Kiko Pangilinan, nanawagang imbestigahan ang ticket scalping sa bansa

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.