China, kinondena rin ng Canada dahil sa Ayungin Shoal incident
Kinondena rin ng Canadian Embassy sa Pilipinas ang China dahil sa huling insidente ng panghaharang ng Chinese Coast Guard (CCG) sa resupply mission ng Philippine Coast Guard (PCG) sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Linggo ng umaga.
Sa pahayag ni Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman, kaisa rin ng Ottawa ang Pilipinas sa paninindigang ipagtanggol ang teritoryo nito at itaguyod ang pandaigdigang batas.
Hind rin aniya makatwiran ang mga hakbang ng China laban sa Pilipinas sa mismong nasasakupang exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.
“China has no lawful claim to the West Philippine Sea. Its actions are incompatible with the obligations of a signatory to the United Nations Convention on the Law of the Sea," ani Hartman.
“Continuing acts of intimidation and coercion undermine safety, stability, and security across the region, and increase the risk of miscalculation,” dagdag pa ni Hartman.
US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson said the US condemns these latest “disruption of a legal Philippine resupply mission to Ayungin Shoal” that have put the lives of Filipino service members at risk
Nauna nang kinondena ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson ang nasabing pag-atake ng China sa tropa ng pamahalaan dahil nalagay sa panganib ang buhay ng mga sundalong Pinoy na kasama sa resupply mission.
PNA