Limampu't apat na pasahero at siyam na tripulante ang nailigtas matapos pumalya ang makina ng sinasakyang barko sa karagatang sakop ng Nasugbu, Batangas nitong Sabado.

Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG), ang mga nasabing pasahero at tripulante na sakay ng MV Our Lady of Fatima 03 ay patungo na sana sa Fortune Island sa Nasugbu, Batangas mula sa Port of Tilik, Lubang, Occidental Mindoro nang maganap ang insidente nitong Oktubre 21 ng umaga.

Sa paunang report ng CG, habang naglalayag ang naturang barko sa pagitan ng Ambil Island sa Looc, Occidental Mindoro at Fortune Island nang biglang tumigil ang makina nito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nang matanggap ang impormasyon kaugnay ng insidente, kaagad na nagresponde ang mga tauhan ng CG sub-station sa lugar, kasama ang MV Lubang Express na sister ship ng nagkaaberyang barko.

Hinila na ang barko patungong Wawa Port sa Nasugbu, ayon pa sa Coast Guard.