Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Isa ang naiulat na nasawi matapos masunog ang isang oil tanker habang nakadaong sa Batangas nitong Linggo ng umaga.

Sa social media post ng Philippine Coast Guard (PCG), hindi pa nakikilala ang nasawi sa insidente.

Dakong 9:00 ng umaga nang sumiklab ang Motor Tanker Sea Horse sa Alpha Anchorage Area, Batangas.

Sinabi ng Coast Guard Station (CGS) Batangas, tinawagan sila ng Vessel Traffic Management System-Batangas upang i-report ang insidente.

Kaagad ding nakipag-ugnayan ang CG sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) upang magresponde sa naturang lugar.

Tumulong din ang tatlong tugboat na kinabibilangan ng Great Lark, Sedar 7 at Sedar 8 upang maapula ang sunog.

Dakong 11:08 ng umaga nang tuluyang maapula ang apoy.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang madetermina ang sanhi ng insidente.

Nakaalerto na rin ang Marine Environmental Protection Group-Batangas dahil sa posibilidad na magkaroon ng oil spill.