CAMP VICENTE LIM, Laguna - Nahuli ng pulisya ang isang umano'y big-time drug pusher matapos masamsaman ng ₱15 milyong halaga ng pinaghihinalaang illegal drugs sa ikinasang operasyon sa Lucena City, Quezon nitong Sabado ng gabi.

Tumanggi na si Quezon Police director Col. Ledon Monte na isapubliko ang pagkakakilanlan ng suspek alinsunod na rin umano sa direktiba ng Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Sa ulat ng pulisya, inaresto ang suspek sa buy-bust operation sa Zoleta S., Jael Subd., Brgy. Ilayang Iyam, dakong 11:00 ng gabi.

Nakumpiska ng pulisya ang 750 gramo ng pinaghihinalaang illegal drugs na nagkakahalaga ng ₱15,300,000 at marked money.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 na isasampa sa suspek na nasa kustodiya na ng Lucena City Police Station.