Naging emosyunal si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa kaniyang naging pagbisita sa “It’s Your Lucky Day” matapos niyang purihin ang mga host at mga bumubuo ng programa.

Sa kanilang episode nitong Sabado, Oktubre 21, winelcome bilang guest co-host si Vilma ng It’s Your Lucky Day hosts, na pinangunahan ng kaniyang anak na si Luis Manzano.

Nagbigay rin ng mensahe si Vilma sa mga host at sa lahat umano ng bumubuo ng programa.

“I'd like to commend all of you, of course, anak (Luis), at lahat-lahat kayo ng It's Your Lucky Day family.”

'It's Showtime,’ pansamantalang nagpaalam sa madlang people

“I'd like to commend them, kasi sa ating mga artista, akala n'yo ba madali po 'yung sabihin na 'we are offering you pero 12 days lang na show.’ Hindi ho madali 'yun. Pero itong It's Your Lucky Day, tinanggap nila, dahil hindi ho sila selfish,” emosyunal na saad ni Vilma.

“Alam n’yo, kasi, 12 days ipapasok lang sila dahil alam naman natin 'yung kaganapan pero selfless sila. Kasi gusto nilang ituloy pa rin 'yung entertainment at 'yung pwedeng swerteng ibigay pa sa mga tao,” pagpapatuloy niya.

Muli ring binanggit ng award-winning actress ang naging hirit kamakailan ni Luis na hindi pa nagsisimula ang opening ng programa ay inanunsyo na ang huling dalawang linggo nito.

“Pero sa totoo lang po, pinakita po nila na hindi sila makasarili. Gusto lamang nila ituloy 'yung entertainment at ibigay 'yung mga makakatulong pa sa mga kababayan natin,” ani Vilma.

“Kaya to all of you, sa inyong pamilya po ng It’s Your Lucky Day, bow,” saad pa niya sabay nag-bow sa harap ng mga host.

Ang It’s Your Lucky Day ang humahalili sa noontime show na “It’s Showtime” na pansamantalang nagpaalam sa telebisyon noong Oktubre 13, 2023, matapos itong hatulan ng 12-day suspension.

Pinatawan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang It’s Showtime ng 12 airing days suspension dahil umano sa mga natanggap nilang reklamo kaugnay sa pagkain nina Vice at Ion ng icing ng cake sa segment na “Isip Bata” noong Hulyo.

https://balita.net.ph/2023/09/04/its-showtime-sinuspinde-ng-12-airing-days-ng-mtrcb/

Kaugnay nito, nakatakdang bumalik sa telebisyon ang It’s Showtime sa Oktubre 28, 2023.