"We are doing this because the situation is rather tense and we already have seen it years ago in 2006 when we had to repatriate Filipinos from Lebanon," pagdidiin ni De Vega sa panayam sa telebisyon nitong Biyernes.
Nag-ugat ang tensyon matapos paputukan ng ilang Palestinian militant na naka-base sa Lebanon ang Israeli forces nitong Oktubre 7 ilang oras nang maglunsad ng surprise attack ang Hamas sa Israel.
Gumanti rin ang Israeli Defense Forces sa pamamagitan ng pagsalakay sa teritoryo ng mga Lebanese, kabilang na ang mga lugar na kontrolado ng Hezbollah.
Aabot sa 3,000 Pinoy ang naiipit sa labanan sa southern Lebanon.