Nag-alok na ng pabuyang ₱100,000 si Batangas Governor Mark Leviste sa pag-asang mapabilis ang paghahanap kay Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon na naiulat na nawawala nitong Oktubre 12.

Sa panayam, sinabi ni Leviste na nagtungo siya sa bahay ng pamilya ni Camilon sa Tuy, Batangas kung saan nagbigay ito ng financial support.

“I visited this morning at the family home of Ms. Catherine Camilon…I listened to their story and contacted the Tuy police to find out the latest developments in their search and investigation,” anang gobernador.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nangako rin si Leviste na susubaybayan nito ang kaso.

Sa pahayag ng pamilya ni Camilon, huling nakita ito nang magpaalam upang makipagkita sa katrabaho sa Bauan, Batangas, sakay ng kotseng may plakang NEI 2290.

Kinabukasan, patay na ang cellular phone nito at hindi na makontak, ayon sa kanyang pamilya.

PNA