31 volcanic quakes, naitala sa Mayon
Umabot pa sa 31 pagyanig ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakaraang 24 oras na pagsubaybay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Binanggit ng Phivolcs, naobserbahan din ang 87 beses na pagragasa ng mga bato sa palibot ng bulkan at pyroclastic density current event.
Bumuga rin ng 592 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkan nitong Oktubre 20.
Nasaksihan din ang puting usok na ibinuga ng bulkan at ito ay umabot sa 1,000 metro bago tangayin ng hangin pa-timog-timog kanluran at kanluran.
Umabot din sa 3.4 kilometro ang lava flow sa bahagi ng Bonga Gully. Apektado rin ng pagragasa ng lava ang 2.8 kilometrong bahagi ng Mi-isi Gully.
Babala pa ng Phivolcs, nasa Level 3 pa rin ang alert status ng bulkan dahil sa nakaambang pagputok nito.