Nanawagan na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na magkaroon ng tigil-putukan sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas.

Kasama na si Marcos sa mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Gulf Cooperation Council (GCC) na nanawagang magkaroon ng humanitarian aid, pakawalan ang mga hostage at paigtingin ang diplomatic efforts upang tumatag ang kapayapaan sa rehiyon.

Kinondena na rin ng mga ASEAN leader ang paglusob sa mga sibilyan sa Gitnang Silangan.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Matapos ilabas ang kanilang pananaw at pangamba kaugnay ng sitwasyon sa Gitnang Silangan, nagkasundo ang mga ASEAN leader na kondenahin ang paglusob sa mga sibilyan kasabay ng panawagang protektahan ng magkabilang-panig ang mga sibilyan, itigil ang pag-atake sa mga ito at sumunod sa international humanitarian law, partikular na ang Geneva Convention.

Sinuportahan din ng ASEAN at GCC ang hakbang ng Saudi Arabia, European Union at League of Arab States na buhayin ang Middle East peace process, kasama ang Egypt at Jordan upang maresolba ang hidwaan sa pagitan ng Israel at ng ilang karatig-bansa nito.

“We urge for the immediate end of violence to avoid further human casualties and call for the full respect of International Humanitarian Law. We call on all parties to create safe, rapid and unimpeded passage of humanitarian corridors,” ayon pa sa pahayag ng ASEAN.