Heads up, Ed Sheeran fans!

Babalik sa Pilipinas si British singer-songwriter Ed Sheeran sa susunod na taon para sa kaniyang “+ – = ÷ x Tour.”

Sa isang Facebook post nitong Biyernes, Oktubre 20, inanunsyo ng producer na Ovation Productions na magaganap ang concert ni Ed sa darating na Marso 9, 2024 sa SMDC Festival Grounds.

Magiging special guest sa umano naturang concert ni Ed si singer-songwriter Callum Scott.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“Ed Sheeran is bringing + – = ÷ x Tour to Manila on March 9, 2024 at the SMDC Festival Grounds,” anang Ovation Productions sa naturang post.

Inihayag din nito na magiging available ang tickets sa darating na Huwebes, Oktubre 26, dakong 12:00 ng tanghali sa ovationtickets.com at smtickets.com.

Courtesy: Ovation Productions/FB

Matatandaang huling nag-perform ang award-winning artist sa Pilipinas noong Abril 2018 sa isang sold-out concert sa SM MOA Concert Grounds para sa kaniyang “Divide” tour. Unang itinakda ang naturang concert noong Nobyembre 2017, ngunit ni-reschedule ito dahil sa isang cycling accident.

Kilala si Ed sa kaniyang hit songs, tulad na “Perfect,” “Supermarket Flowers,” “Visiting Hours,” “How Would You Feel,” “Dive,” at “Lego House.”