Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang probinsya ng Davao de Oro nitong Biyernes ng madaling araw, Oktubre 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:58 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 35 kilometro ang layo sa timog-silangan ng New Bataan, Davao de Oro, na may lalim na 13 kilometro.
Naramdaman ang Intensity V sa Caraga, DAVAO ORIENTAL; New Bataan, Maragusan, at Pantukan, DAVAO DE ORO, habang Intensity IV sa Nabunturan, Compostela, Monkayo, Mawab, Montevista, Laak, Mabini, at Maco, DAVAO DE ORO.
Naitala naman ang Intensity III sa CITY OF DAVAO; City of Tagum, DAVAO DEL NORTE, habang Intensity I sa City of Bislig at City of Tandag, SURIGAO DEL SUR.
Samantala, naiulat ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity IV - Nabunturan, DAVAO DE ORO
Intensity III - Malungon, SARANGANI
Intensity II - Magpet, Alamada, COTABATO; CITY OF DAVAO; Matanao, DAVAO DEL SUR; Don Marcelino, DAVAO OCCIDENTAL; City of Koronadal, Tupi, at Tampakan, SOUTH COTABATO
Intensity I - Malaybalay, BUKIDNON; M'lang at City of Kidapawan, COTABATO; City of Gingoog, MISAMIS ORIENTAL; Malapatan at Kiamba, SARANGANI; Polomolok, SOUTH COTABATO; CITY OF GENERAL SANTOS
Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa posibleng aftershocks ng lindol.
Maaari rin umanong magdulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.