Dumating na sa Pilipinas ang 18 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Israel kung saan sila nailigtas ng gobyerno sa gitna ng giyera sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian militant group na Hamas.

Dakong 3:55 ng hapon nitong Oktubre 20, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 sa Pasay City ang eroplanong Etihad Airways 424 na sinasakyan ng mga Pinoy worker.

Kaagad silang sinalubong nina Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Maria Anthonette Velasco Allones at Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo De Vega.

Bukod sa DMW, kabilang din sa tumutulong sa mga umuuwing OFW ang OWWA, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Foreign Affairs (DFA), at Department of Health (DOH).

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Matatandaang iniutos ng pamahalaan na i-repatriate ang mga manggagawang Pinoy sa Israel para na rin sa kanilang kaligtasan.

Apat na sa mga OFW ang kabilang sa mga binawian ng buhay sa digmaan sa Israel.