Inaasahang magpapaulan ang northeasterly surface windflow at shear line sa ilang bahagi ng bansa ngayong Huwebes, Oktubre 19, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA dakong 4:00 ng madaling araw, inaasahang magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Quezon, Rizal, Laguna at Camarines Norte bunsod ng shear line.

Maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan naman ang posibleng maranasan sa Batanes, Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, at Aurora dahil sa northeasterly surface windflow.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

National

VP Sara binanatan si Sec. Remulla na hindi raw alam ang batas

Samantala, medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang maaaring maranasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa northeasterly surface windflow o localized thunderstorms.

Posible rin umano ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.