Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga tinamaan ng tuberculosis (TB) sa Cordillera Administrative Region (CAR) na samantalahin ang libreng pagpapagamot upang hindi na lumaganap pa ng sakit sa naturang rehiyon.

"We want to extend services to the public who needs or wants to be tested, especially those who need to undergo treatment. They have nothing to worry about payments. They just need to come forward,” pahayag ni DOH-CAR medical officer, Dr. Jennifer Joyce Pira sa isinagawang pulong balitaan nitong Miyerkules.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nakikiusap din si Pira sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa TB na magpatingin sa kani-kanilang health office upang matiyak kung nahawaan sila ng sakit.

Sa datos ng DOH-CAR, nasa 12,537 kaso ang naitala mula 2019 hanggang sa unang tatlong buwan ng 2023.

Sa naturang bilang, 11,389 ang nakakumpleto ng gamutan habang 464 naman ang binawian ng buhay.

Paglilinaw pa ni Pira, ang mga nahahawaan ng sakit ay sasailalim sa anim na buwan na gamutan upang tuluyang gumaling sa karamdaman.

PNA