Nasamsam ng pulisya ang iba't ibang bala ng baril at mga sangkap sa paggawa ng bomba sa isang temporary harbor site ng New People's Army (NPA) sa Mabinay, Negros Oriental.

Sinabi ni Lt. Stephen Polinar, spokesperson at deputy chief ng Police Community Affairs and Development Unit (PCADU) of the Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO), ang nasabing operasyon ay isinagawa sa isang kuweba sa Sitio Cansanaan sa Barangay Abis nitong Martes.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Bago ang operasyon, nakatanggap ng impormasyon ang 704th Provincial Mobile Force Company kaugnay ng namataang armadong kalalakihang pinaniniwalaang kasapi ng NPA sa bisinidad ng Brgy Bato, Abis at Samac.

Aniya, nakipagtulungan sila sa Philippine Army sa pagresponde sa lugar. Gayunman, hindi nila natiyempuhan ang mga rebelde na pinaniniwalaang nakalabas na ng boundary ng Negros Oriental at Negros Occidental.

Idinagdag pa ng pulisya na habang tinutugis nila ang mga rebelde ay nadiskubre nila ang lugar kung saan nasamsam ang mga bala ng baril at mga sangkap sa paggawa ng bomba. 

PNA