Itotodo na ang pilot implementation ng Walang Gutom 2027: Food Stamp program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Disyembre.

Ito ang tiniyak ni +DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay matapos dumalo sa 3rd Nutrition Education Session at 4th Redemption Day ng pilot beneficiaries sa Tondo, Maynila nitong Miyerkules.

"Right now, we are doing the pilot implementation. Three thousand families sa loob ng limang pilot sites ang ating target, and we will go full blast sa pilot implementation come December,” ani Punay.

Sigurado na aniya na mapondohan ang nasabing priority program ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

upang matulungan nito ang mahihirap na pamilya sa 2024.

“First and foremost, by declaring that it is a priority program, we are assured of funding next year so makakasama po ito sa General Appropriations Act – sa national budget next year. Secondly, and very important, is yung participation ng other agencies, kasi through the EO, which is institutionalizing the program, DSWD is assured of support from other agencies,” dagdag pa ng opisyal.