Usap-usapan ang pagre-react ng anak nina Francis at Pia Magalona na si "Frank Magalona" sa X post ng isang netizen kontra kay Abegail Rait, ang "woman of the hour" na lumantad sa publiko at nagke-claim na nagkarelasyon sila ng yumaong master rapper, at nagbunga pa ito ng isang anak na babae.

Mapapanood sa video ng “Pinoy Pawnstars” ni Boss Toyo ang pagbebenta ng jersey memorabilia ni Francis M. ni Abegail, dating flight attendant, kung saan naisiwalat niya ang matagal na umanong pinakatatago-tagong kuwento.

Salaysay niya, kinuha raw ni Francis M ang kaniyang numero ng cellphone nang maispatan siya nito sa “Eat Bulaga” studio noon. Nagkaroon daw sila ng relasyon ni Francis M at nagkaanak sila, na pinangalanang "Gaile Francesca."

Kasama pa nga niya ito nang magtungo kina Boss Toyo at nagpasampol naman ng rap skills.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sey pa ni Abegail, may balak daw ang anak na pasukin ang showbiz soon, nang mauntag ni Boss Toyo tungkol dito.

Anyway, hindi nga nakaligtas sa "eagle-eyed" netizens ang pag-like ni Frank Magalona sa X post ng isang netizen tungkol kay Abegail.

Mababasa rito, "I find it weird watching the video of Pinoy Pawnstar where a homewrecker revealed his affair with Francis M., saying '15 years akong nanahimik.' Of course, you will. You're a mistress. Duh."

Photo courtesy: Frank Magalona (X) via Fashion Pulis

Samantala, ayon naman kay Boss Toyo, nag-text daw siya sa balo ni Francis M tungkol sa ilalabas niyang video na nagtatampok kay Abegail, subalit hindi raw ito tumugon sa kaniya.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang pormal na tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Pia hinggil sa isyu. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.

MAKI-BALITA: Boss Toyo nagpasintabi sa biyuda ni Francis M bago isiniwalat si Abegail Rait

MAKI-BALITA: Anak ni Francis M sa ex-lover, papasukin na ang showbiz?

MAKI-BALITA: Ex-lover daw, lumantad! Francis M, may anak sa labas?