₱15.8M jackpot sa lotto, 1 nanalo, ayon sa PCSO
Isang mananaya ang nanalo ng mahigit sa ₱15.8 milyong jackpot sa 6/49 Super Lotto draw nitong Oktubre 19 ng gabi.
Ito ang idineklara ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at sinabing nahulaan ng nasabing mananaya ang 6-digit na winning combination na 26-31-41-14-05-10.
Sinabi ng ahensya, nasa ₱15,840,000 ang maiuuwi ng naturang bettor.
Ang Superlotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.