Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Pinaigting pa ng pulisya ang paghahanap kay Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon halos isang linggo na nang maiulat na nawawala sa Batangas.

Ayon kay Batangas Police Provincial Office director, Col. Samson Belmonte, inalerto na nito ang lahat ng himpilan ng pulisya sa nasabing lalawigan upang matunton si Camilon.

Si Camilon, 26, isa ring guro sa high school at taga-Barangay Rillo, Tuy, Batangas, ay naiulat na nawawala nitong gabi ng Huwebes.

Sa pahayag ng kanyang pamilya, umalis ng bahay si Camilon sakay ng isang kotseng may plakang NEI 2990.

Huling nakausap ng kanyang ina si Camilon habang ito ay nasa isang gasolinahan sa Bauan sa Batangas nitong Oktubre 12 ng gabi.

Hindi na ring ma-contact ng pamilya si Camilon kinabukasan kaya't ni-report na sa pulisya ang insidente.

Nanawagan na rin ang pamilya nito sa publiko na makipagtulungan sa pulisya kung may hawak silang impormasyong may kaugnayan sa insidente.

Bukod dito, umapela rin ang Tuy Municipal Police Station na tumawag sa kanilang Hotline na 0998-598-5711 sakaling may nalalaman sa kinaroroonan ni Camilon.