Sumalang sina “Five Break-Ups and a Romance” stars Alden Richards at Julia Montes sa programang “Magandang Buhay” nitong Lunes, Oktubre 16.

Gamit ang LED screen, sasagutin nina Julia at Alden ang mga sitwasyong nakakaapekto sa isang relasyon ibibigay ng mga “Magandang Buhay” host Melai Cantiveros-Francisco, Jolina Magdangal-Escueta, at Regine Velasquez-Alcasid. Pagkatapos, tatapatan nila ang bahagi ng LED screen kung saan nakalagay ang “Romance” kapag kaya pang ilaban ng relasyon at “Break Up” naman kapag kailangan na itong tapusin.

Isa sa mga ibinigay na sitwasyon ay cheating. At sa pagkakataong ito, “Romance” ang pinili ni Julia. Nagpaliwanag naman ang aktres sa kaniyang piniling desisyon,

“Wala namang perfect, e. Aminin natin in a relationship mayroon isa, or minsan, hindi ko naman nilalahat, di ba, baka dalawa kayong nagkamali for a time. Pero hindi naman necessarily na ‘pag nagkamali sa ‘yo, hihiwalayan mo na agad. Minsan baka din pwede kang magtanong noong time ba na ‘yun noong nangyari ‘yun, may pagkukulang ka ba kaya nangyari ‘yun? Pero kung wala, doon ka na lang magtanong sa sarili mo…doon naman mag-iiba ‘yung kuwento” paliwanag ni Julia.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Dagdag pa niya: “Kaya feeling ko ang cheating, ‘pag ilang beses na, too much. Pero ‘pag nadapa, ang mindset ko lang: ‘pag nadapa ba ang isang tao, sino ang gusto mong magtayo sa kaniya? Ibang tao na, ibang babae na? O ikaw pa rin na partner [niya]?”

Tila hindi naman sang-ayon ang maraming netizen sa sinabing ito ni Julia. Narito ang ilan sa kanilang mga komento kaugnay sa naging pahayag ng aktres:

“Para sa akin kapag nalaman kong nagloko wala ng second chance-second chance. Hindi na magiging masaya pagsasama mas mabuti maghiwalay na lang.”

“But cheating is not as simple as "nadapa lang"" 🥴”

“Mag tayo sa kanya tapos uulitin din naman, wag nalang, ibang babae nalang mag tayo hahaha 🤣”

“Ay hinde tumayo ka mag isa ginusto mo yan e 😂”

“basta ako bago ko itayo yung nadapa tatawa muna ko 🤣”

“Cheating is a choice. Huwag mo ng tulungan tumayo hayaan mo siya 😅”

“Para sakin siguro second chance pwd pa pero kung paulit ulit na..tama na."