Aabot sa 90 dating miyembro ng New People's Army (NPA) ang tumanggap ng livelihood assistance sa Cotabato kamakailan, ayon sa pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa Facebook post ng DSWD, ang mga dating rebelde ay inayudahan ng ₱20,000 bawat isa sa Kidapawan City nitong Oktubre 12.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang naturang tulong ay bahagi ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD sa nasabing lalawigan.

Dumalo sa distribusyon ng cash assistance si Governor Emmylou Taliño-Mendoza kung saan hinikayat nito ang mga dating rebelde na makipagtulungan sa pamahalaan.

"Kung nais ninyong patuloy na suportahan kayo ng gobyerno, tulungan ninyo kami na tiyakin na ang mga nasa pamumuno ay hindi konektado sa mga rebeldeng grupo. Magtulungan tayo sa labang ito," pahayag pa ng gobernador.