Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipino na umalis na sa Gaza sa gitna na nangyayaring labanan sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group na Hamas.
Sinabi ito ni Marcos matapos itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Level 4 ang alert status sa Gaza nitong Linggo, Oktubre 15.
“In light of the challenging circumstances our fellow Filipinos are facing in the Gaza Strip, our government has raised the Crisis Alert Level for Gaza to Level 4,” pahayag ni Marcos sa kaniyang X post.
“Under this heightened alert, we strongly urge repatriation from Gaza for the safety of our citizens,” dagdag niya.
Inihayag din ng Pangulo na patuloy umanong magsisikap ang pamahalaan ng bansa upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino sa naturang siyudad.
“We are committed to making every possible effort to bring our kababayans out of harm's way and reunite them with their families back home,” ani Marcos.
“We will continue to provide updates on the situation,” saad pa niya.
Matatandaang inihayag ng DFA nitong Linggo na 131 mga Pilipino na ang nakaalis sa Gaza.
https://balita.net.ph/2023/10/15/131-pinoy-nakaalis-na-sa-war-torn-gaza-dfa/
Samantala, kamakailan lamang ay kinumpirma ni DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega na tatlong mga Pilipino na ang nasawi sa naturang giyera sa pagitan ng Hamas at Israel.
https://balita.net.ph/2023/10/13/ikatlong-pinoy-na-nasawi-sa-israel-hamas-war-kinumpirma-ng-dfa/