Tampok ang Kapamilya star na si Nikki Valdez sa ">latest vlog ni Diamond Star Maricel Soriano nitong Sabado, Oktubre 14.

Isa sa mga naitanong ni Maricel kay Nikki ay kung dumating ba sa punto ng buhay ng huli na nakaramdam ito ng pagod sa mahigit 25 taon sa showbiz industry.

Pero ang sagot ni Nikki, hindi raw! Sa katunayan, kabaligtaran umano ang kaniyang naramdaman.

“Parang mas naghahanap ako ng ‘mas pa’. Alam mo ‘yun, ‘yung feeling na bilang artista na ayaw mo mapako lang sa ganoon,” dagdag pa ni Nikki.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Kaya naman hindi nakakapagtaka na sunod-sunod ang blessings na dumating sa buhay ni Nikki. Sa katunayan, natanggap na niya ang kaniyang kauna-unahang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards o FAMAS.

“Nandoon na siya sa cabinet,” masiglang balita ni Nikki.

Siya ang nakasungkit ng Best Supporting Actress para sa pagganap niya bilang Ellen Francisco sa pelikulang “Family Matters” na dinirek ni Nuel C. Naval.

Nang malaman umano ni Nikki na kasali siya sa mga nominado, hindi raw niya talaga inaasahan na mananalo siya.

Kaya ang sabi niya kaniyang glam team: “Pagandahan n’yo na lang ako para ‘ka ko kahit talo ako maganda akong dumating sa awards night.”

Ang kaso, nanalo. Kaya laking tuwa niya kasi bukod sa maganda na siya, nanalo pa!

Bukod sa FAMAS, ginawaran siya ng Gawad Pasado Awards ng parangal bilang “PinakaPASADOng Katuwang na Aktres” para sa nasabing pelikula. Kinilala rin ng Star Magic ang kaniyang loyalty dahil sa mahigit dalawang dekada sa ABS-CBN.

MAKI-BALITA: ‘Long overdue!’ Nikki Valdez emosyonal sa unang FAMAS award – Balita

MAKI-BALITA: ‘Mission accomplished!’ Nikki Valdez, proud sa nabuong ‘bagong pamilya’ dahil sa ‘Family Matters’ – Balita