Isiniwalat ni showbiz columnist Ogie Diaz sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Linggo, Oktubre 15, ang tungkol sa balak na pagpapaalis umano kay Baron Geisler sa teleseryeng “Senior High”.

Tila taliwas daw ito sa pino-project na image ni Baron sa kasalukuyan at sa mga sinasabi niya noong nakaraan na hindi na umano siya umiinom pa. Matatandaang naimbitahan na nga siya sa ginanap na ABS-CBN Ball noong Setyembre matapos ma-ban nang ilang taon.

Pero sabi ni Ogie: “Baka tanggalin na siya kasi natatakot ‘yung ibang artista lalo na ‘yung mga bata kapag siya’y nakakainom na dine-deny niya.”

Sa halip kasi na tubig, kape, o softdrinks, alak ang nakalagay sa tumbler ng aktor at ito ang iniinom sa set.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Naaawa raw tuloy si Ogie sa misis ni Baron na si Jamie Evangelista na isa umanong psychologist. Hindi raw kasi pinamamayagan ng huli na magdala si Baron ng alak.

Bukod dito, nanghihinayang din si Ogie para kay Baron dahil hindi naman maitatanggi ang husay nito pagdating sa pag-arte.

Matatandaang humakot pa siya ng papuri dahil sa kaniyang pambihirang pagganap sa pelikulang “Doll House”.

Kaya hiling ni Ogie: “Sana, di ba, lalo na nag-withdrawal na siya ng alcohol, di ba. So, dapat sana tuloy-tuloy na ‘yun lalo na may pamilya na siya.”

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Baron tungkol dito. Wala pa ring kumpirmasyon o pahayag mula sa Senior High production team o pamunuan ng ABS-CBN kung totoo ba ang tsikang ito.

MAKI-BALITA: Nikko Natividad, ‘muntik malunod sa sariling luha’ dahil kay Baron Geisler – Balita

MAKI-BALITA: Aga Muhlach, ‘pinaiyak’ ni Baron Geisler: ‘Hayuuuf! Pinahanga mo ako!’ – Balita

MAKI-BALITA: Baron Geisler, puring-puri sa kaniyang aktingan sa ‘Doll House’ – Balita