Bumisita sa "Eat Bulaga!" sa GMA Network ang ilang cast member ng magtatapos na teleseryeng "Unbreak My Heart," ang unang proyektong nagkaroon ng collaboration ang dating magkaribal na network na ABS-CBN at GMA Network, kasama ang Viu Philippines. 

Bumisita sa noontime show na produced ng TAPE, Inc. ang Kapuso actor na si Richard Yap at mula naman sa balwarte ng Kapamilya Network, sina Jeremiah Lisbo at Nikki Valdez. 

Makikita naman ito sa opisyal na Facebook page ng TAPE.

"Cast Of Unbreak My Heart, bumisita sa Eat Bulaga!" mababasa sa caption. 

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Tila first time makatuntong ni Nikki sa Eat Bulaga at mini reunion na rin nila ito ni Eat Bulaga host Paolo Contis, na originally ay umusbong ang career sa ABS-CBN. 

Makikitang masayang nakipag-selfie ang mga bumisitang cast members kina Betong Sumaya at Paolo.

Anyway, malapit nang magtapos ang serye kaya kumapit pa ang mga avid supporters at viewers nito para sa mga natitirang pasabog.