Ipinagtanggol ni showbiz columnist Ogie Diaz sa isang episode ng “">Showbiz Updates” kamakailan si “Asia’s King of Talk” Boy Abunda at ang programa nito matapos putaktihin ng mga basher.

Matatandaang noong Oktubre 9 ay inamin ni Alden Richards sa “Fast Talk with Boy Abunda” na nagkagusto umano ang aktor sa dati niyang ka-love team na si Maine Mendoza nang tanungin siya ni Tito Boy. Sa magkahiwalay na panayam, tinanong din ng “Asia’s King of Talk” si Julia kung sino ba si Coco sa kaniyang buhay at kung alam daw ba ng huli ang intimate scene nila ni Alden.

Si Alden at Julia ay nagtambal sa pelikulang “Five Break-Ups and a Romance” na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa darating na Oktubre 18.

Buwelta ng ilan, bakit daw kailangan pang itanong kay Alden ang bagay na ‘yun gayong kasal na umano si Maine sa aktor at kongresistang si Arjo Atayde? Naakusahan pa tuloy si Alden na ginagamit lang si Maine. At bakit kailangan pang tanungin si Coco kay Julia gayong hindi naman ito kasama sa nasabing pelikula.

National

FPRRD, posibleng kasuhan ng 'obstruction of justice' dahil kay Quiboloy

Depensa naman ni Ogie: “Siguro bahagi ‘yan ng promo nila. Saka hindi rin naman nila maaawat si Kuya Boy kung itanong si Maine kay Alden at si Coco kay Julia kasi live sila nag-guest.”

“Di ba sa mga ganiyang interview pwede namang makiusap di ba sa mga staff? Na baka pwedeng ‘wag nang tanungin ‘yung mga dati mong naka-love team o ‘yung mga nakaraan,”

“Sa mga ganiyang pagkakataon, si Kuya Boy ay isang ano rin, uh, host. At siyempre talk show ‘yun. So, aalamin nila kung ano ‘yung mga kaganapan sa buhay mo lalo na ‘yung mga tanong na hindi naman naitatanong sa mga nakaraan nilang presscon. Kaya kinukuhang pagkakataon ‘yun ni Kuya Boy para maitanong na rin doon,” dagdag pa ni Ogie.

Kaya ang pabirong mungkahi ni Ogie: “Baka pwedeng mag-additional shooting days para maisama sila [Coco at Maine]”.

MAKI-BALITA: Trailer, poster ng bagong pelikula nina Alden Richards, Julia Montes, inilabas na

MAKI-BALITA: Alden inakusahang ginagamit si Maine dahil may bagong pelikula

MAKI-BALITA: Alden Richards, nagkagusto kay Maine Mendoza: ‘I did confess’ – Balita

MAKI-BALITA: Intimate scene ni Julia kay Alden, hindi alam ni Coco