Inihayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) nitong Linggo, Oktubre 15, na nanawagan ang Manila Archdiocese ng “holy hour” para sa kapayapaan sa Holy Land sa gitna ng giyera sa pagitan ng Israel at Palestine militant group na Hamas.

Sa isang circular na inulat ng CBCP, umapela ang Archdiocese para sa isang sandali ng panalangin para sa lahat ng mga nagdurusa sa digmaan. 

“In solidarity with our brothers and sisters in the Holy Land, we request that our parishes and communities gather our people for prayer like the Adoration of the Blessed Sacrament/Holy Hour and the praying of the rosary on October 17, 2023 or any day your community decides,” nakasaad sa circular. 

Ang naturang hakbang ay alinsunod umano sa panawagan ng Latin Patriarch of Jerusalem Pierbattista Cardinal Pizzaballa na manalangin at mag-ayuno para sa kapayapaan sa Holy Land.

Internasyonal

Israel, nagdeklara ng ‘State of War alert’

Sinabi naman ng Archdiocese na nakatakda na itong magpaabot ng espesyal na panalangin, na inihanda ng Archdiocesan Liturgical Commission nito.

Matatandaang unang nagdeklara ang Israel ng “State of War alert” noong Oktubre 7, 2023 matapos umanong magpaulan ng rocket fire ang Hamas.

Sa ngayon, mahigit 3,000 indibidwal na ang napatay ng magkabilang panig, kabilang na rito ang tatlong Pilipino.

https://balita.net.ph/2023/10/13/ikatlong-pinoy-na-nasawi-sa-israel-hamas-war-kinumpirma-ng-dfa/