Inilarawan ni showbiz columnist Cristy Fermin ang aktor na si Ricardo Cepeda sa “Showbiz Now Na!” kamakailan bilang isa umanong mabuting tao.

“Kaming lahat na mga press people, malapit sa kaniya. Kasi hindi niya kami pinakitaan ng kasupladuhan, ng pagiging bastos. Naging mabuti siya sa aming mga manunulat. Ang tinutukoy po namin mga katsika ay ang aktor na si Ricardo Cepeda,” sabi ni Cristy.

Matatandaang inaresto si Ricardo ng mga pulis noong Oktubre 8 sa Caloocan City dahil umano sa kasong syndicated estafa.

“Lungkot na lungkot ako kasi kung ang barometro nating gagamitin ay ang pagiging mabuting tao ni Ricardo, kasama kami doon. Panalo siya doon,” saad pa ng showbiz columnist.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Hindi rin naiwasang ikumpara ni Cristy ang nangyari kay Ricardo sa nangyari noon sa actor-host na si Luis Manzano.

Matatandaang nadawit si Luis noong Pebrero sa anomalya ng isang fuel company. Napawalang-sala rin naman siya ng National Bureau of Investigation (NBI) makalipas ang ilang buwan.

Kaya hiling ni Cristy, ilaban din sana ni Ricardo ang kaso gaya ng ginawa noon ni Luis.

MAKI-BALITA: Ricardo Cepeda arestado dahil sa kasong syndicated estafa

MAKI-BALITA: Ricardo Cepeda nanindigang inosente, hindi estapador

MAKI-BALITA: Stepson, dinepensahan si Ricardo Cepeda: ‘My father was wrongly accused!’

MAKI-BALITA: Marina Benipayo dinepensahan ang partner na si Ricardo Cepeda

MAKI-BALITA: Luis Manzano, humingi ng saklolo sa NBI; idinadawit sa anomalya ng isang kompanya