Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Afghanistan nitong linggo, Oktubre 15, ilang araw lamang matapos ang malakas na lindol na kumitil sa buhay ng libo-libong mga indibidwal.
Sa tala ng U.S. Geological Survey (USGS), nangyari ang naturang lindol na may lalim na 6.3 kilometro nitong Linggo ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 30 kilometero ang layo sa northwest ng Herat city, dagdag ng USGS.
Wala pa naman umanong naitatalang nasawi dulot ng naturang lindol.
Matatandaang noon lamang Oktubre 7 nang yanigin din ng magnitude 6.3 na lindol ang provincial capital ng Herat, kung saan mahigit 2,000 ang nasawi, ayon sa ulat ng AFP. Sinundan umano ito ng ilan pang malalakas na aftershocks.