Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo, Oktubre 15, na 131 mga Pilipino na ang nakaalis sa Gaza sa gitna ng giyera sa pagitan ng militant group na Hamas at Israel.

Sa isang pahayag, ibinahagi ng DFA na hindi bababa sa 78 mga Pinoy na nakalikas ang nananatili na ngayon malapit sa Rafah border crossing malapit sa Egypt.

“All the rest have left northern Gaza or Gaza City, which is expected to be the main site for hostilities,” saad din ng DFA.

“The Philippine Government continues to work on the repatriation of our nationals and will provide updates on developments,” dagdag pa nito.

Ikatlong Pinoy na nasawi sa Israel-Hamas war, kinumpirma ng DFA

Samantala, inabisuhan din ng DFA ang publiko na dahil umano sa kasalukuyang sitwasyon sa Gaza, isinailalim na raw ito sa Alert Level 4 o Mandatory Repatriation.

Matatandaang kamakailan lamang ay kinumpirma ni DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega na tatlong mga Pilipino na ang nasawi sa naturang giyera sa pagitan ng militant group na Hamas at Israel.