Hindi pa man kinukumpirma ang matagal nang kumakalat na intrigang may relasyon na sila ni Ultimate Heartthrob at Kapamilya star Piolo Pascual, nadagdagan na naman ang mga tsika ng marites kay Kapamilya actress Shaina Magdayao.

Ayon sa mga sitsitan, buntis na raw si Shaina kay Papa Pi! Kumalat ito batay raw sa ipinost nitong larawan ng ultrasound result sa kanyang Instagram account, na maaaring gawa-gawa lang.

Mababasa raw sa post, “Hello world! I sit here emotional as I write this because I can finally say the words that at one point I didn’t know if I would ever get to say. WE’RE HAVING A BABY! See you my little bub! Maraming salamat sa aking mga kaibigan at pamilya! I wouldn’t have made it through my darkest days without you all. Maraming salamat din sa walang sawang suporta ng aking mga fans! Thank you guys (emoji heart).”

Sa ngayon, hindi na mahagilap ang post na ito na puwedeng binura na.

Quiboloy, nag-bible study habang nasa detention center

Sa isang YouTube channel, napabalita pa ngang secretly married na raw ang dalawa.

Nabalitaan ni Shaina ang tungkol sa buntis issue kaya naglabas na lang siya ng pahayag tungkol dito, sa pamamagitan ng Instagram stories.

Nakakaloka dahil mga kamag-anak at kaibigan pa niya ang nagbalitang buntis na siya kay Piolo.

“Sooo, been getting messages from family and friends for days now about some FAKE NEWS that’s going around back home. My goodness, I am nooooooot pregnant, people!"

Kung totoo man daw ito, asahan daw ng madlang people na walang "taguang" magaganap. Eh kaya nga, hindi nga siya jontis!

"Will never deny if I were since I’m already of age, 'noh! But noppe, I ain’t preggers!! Cheers from Busan!”

Nasa South Korea si Shaina para sa Busan Film Festival.

Samantala, wala pang sey si Piolo tungkol sa tsikang ito.

MAKI-BALITA: Piolo sa chikang sila na ni Shaina: ‘What you see is what you get’