Dahil na rin sa karangalang inuwi nito mula sa pagsabak sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China kamakailan, tumanggap si pole vaulter EJ Obiena ng ₱2 milyong cash incentives mula sa Filipino-Chinese Amateur Athletic Federation (FCAAF) nitong Biyernes.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Itinaon sa 35th founding anniversary at induction ng mga bagong opisyal ng FCAAF ang pagbibigay ng insentibo kay Obiena.

Kasama ni Obiena si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann na naging panauhing pandangal sa naturang pagtitipon.

Si Obiena ay kumubra ng gintong medalya sa pole vault sa katatapos na Asian Games na ginanap sa China nitong Setyembre 23 hanggang Oktubre 8.